Wednesday, June 30, 2010

Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III - 15th President of the Philippines



Hunyo 30, 2010 - isang makasaysayang dahon sa ating kalendaryo. Dakilang araw ng pagkilala sa ika-labinglimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III, mas sikat na tawagin ngayon na P-Noy, na pinaigsing Presidente Noynoy. Si Pangulong Noynoy ay anak ng mga bayani ng ating bansa. Ang kanyang ama ay si dating Senador Ninoy Aquino, at ang kanyang ina ay si dating Pangulong Cory Aquino.


Magkakaiba man ang mga pananaw ng mga Pilipino sa pagkakapanalo ni Noynoy, hindi pa rin naman maitatanggi na sa kasalukuyan ay nagsisilbi siya na bagong pag-asa ng masang pinoy.

Ang kanyang talumpati ay simple, maigsi, hindi gaanong pormal, at direktang tumukoy sa kanyang mga hangarin para sa bansa. Malinaw ang naging mensahe ng bagong halal na pangulo - matuwid na pamumuno, tapat na pamamahala, at unti-unti ngunit nakakasiguro ng magandang pagbabago para sa bayan.


Full transcript ng inaugural speech ni President Noynoy Aquino:

http://visitpinas.com/inaugural-speech-of-president-benigno-noynoy-aquino-iii/


Video ng inauguaral speech ni Pangulong Noynoy Aquino:

http://www.youtube.com/watch?v=N7RScPGMIjg

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts