
Hunyo 30, 2010 - isang makasaysayang dahon sa ating kalendaryo. Dakilang araw ng pagkilala sa ika-labinglimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III, mas sikat na tawagin ngayon na P-Noy, na pinaigsing Presidente Noynoy. Si Pangulong Noynoy ay anak ng mga bayani ng ating bansa. Ang kanyang ama ay si dating Senador Ninoy Aquino, at ang kanyang ina ay si dating Pangulong Cory Aquino.


